Nakita na ni Zander ang kaawa-awang mga bata at ang nag-iisang hostage-taker. Nagtuloy-tuloy pa sa kisame ng living room ng malaking mansion ang puting lubid at kataka-takang hindi nila ito napansin dahil nagbago ang kulay nito at ginaya ang kulay green na pintura kisame ng malaking mansion, dahan-dahan pa itong gumalaw papuntang gitna ng kisame ng mansion. Nakikita pa rin niya ang balisang hostage-taker, kay tinatantyang mabuti ni Xander ang kanyang mga susunod na gagawin, ayaw niyang magkamali dahil nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ng napakaraming mga inosenteng bata na kanina pa nag-iiyakan sa sobrang takot sa hostage-taker. Muling nagalit ang hostage-taker sa lalo pang lumalakas na iyakan ng mga bata. Kaya muli na naman niyang pinagpapalo ng kulay green na baseball bat ang ilang kagamitan ng living room ng malaking mansion malapit sa kanyang kinatatayuan.