grupo ng mga tao," puna ni Althea.
           "Maganda talagang panuurin ang buong Maynila mula dito sa himpapawid, kaya nga naisip kong ipasyal kita rito," sagot naman agad ni Xander.  Nakatayong nakalipad sina Xander at Althea habang linilibot nila ang bawat maisipan nilang puntahan.  Maya-maya ay nakita ni Althea ang isang malaking karnabal.  "Pwede bang ilipad mo ako malapit sa napakaganda at napakaliwanag na karnabal na 'yon?"  tanong ni Althea kay Xander.
            "Gusto mo ba roon, halika yumakap kang mabuti at ililipad kita nang mabilis papunta roon," sagot naman agad ni Xander.
            Naramdaman agad ni Althea ang lakas ng hampas ng hangin sa kanyang maganda at medyo mahabang buhok.