Althea. Nakatingin ito sa mga mata ni Xander.  Tiningan din ito ni Alexander sa mga mata at nginitian.  "Kung ipasyal na lang kaya muna kita Althea.  Gusto mo bang lumipad kasama ako?" mahinang tanong ni Xander kay Althea.  Hindi sumagot si Althea kaya ipinagpatuloy pa ni Xander ang kanilang paglipad.  Nararamdaman na ni Althea ang malamig na simoy ng hangin mula sa kinalalagyan nila ni Xander.  Maliwanag ang buwan,  pinagmasdan ni Althea ang buong ka-Maynilaan.  "Ang ganda pala dito sa taas Xander, nakatutuwang pagmasdan ang hilera ng mga naglalakihang mga gusali ng Maynila.  Maging ang mahaba at nakakainis na traffic ay nakatutuwang pagmasdan mula dito sa itaas.  Sabay-sabay na tumigitigil ang maraming sasakyan sa bawat eskinita  at sabay-sabay ring nagtatawiran ang napakalaking