Chapter 14

             Nahawakan at nasalo agad ni Xander ang nahimatay na si Althea.  Takang-taka siya sa nangyari, hanggang sa unti-unti na rin niyang maramdaman ang kung anong bagay na sa loob ng bibig niya.  Hinipo ni Xander ang mga labi niya.  Nagulantang siya sa nakapa niya.  "May pangil ako... tinubuan ako ng mga pangil..." hindi maipaliwanag ni Xander ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.  Hindi pa rin nagigising si Althea.  Maya-maya ay napansin niyang may isang babaeng papalapit sa kanila ni Althea.  Napansin ni Xander na papalapit si Veronica sa kanilang dalawa ni