Althea.  Kaya dali-dali niyang binuhat ang nahimatay na si Althea at maingat na inihiga sa mahabang upuan.  Matapos ay dali-dali siyang tumakbo papalayo sa lugar.  At nang makalayo na ng kunti ay agad na lumipad paitaas.  Gulong-gulo si Xander, hawak-hawak pa rin niya ang kanyang bibig at nararamdaman pa rin niya ang tumubong puting pangil.  Mula sa itaas, nakita ni Xander na nakalapit na si Veronica sa tabi ng nahimatay na si Althea. 
              "Lynette, Lynette anong nangyari sa 'yo?" tanong nang nag-aalalang si Veronica habang patuloy na ginigising si Althea.  "Lynette!  Lynette gising!"
              Ilang sandali lang ay nagising na rin si Althea.
              "Anong nangyari sa 'yo Lynette, ba't nahimatay ka?"