unti-unti na ring binubuksan ng mga bata ang mga malalaking kurtina na kanina pa nakatakip sa malaking mansion. Kitang-kita sa mga mukha nito ang excitement na makita at mapanood ang ipinangakong shooting ng hostage-taker.
           Dinala naman agad ng isang pulis na galing ng opisina ang nahiram na camera sa harapan malapit sa mansion na sinasakyan ng mga bata, kumakaway-kaway pa ito sa mga tuwang-tuwang mga bata.  Agad din namang sumunod ang mga napiling mga gaganap sa shooting. Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila.  Basta nagpares-pares lang sila at umarteng nagliligawan.  Tatlong pares ng magkasintahang babae at lalaki ang napagkasunduan nilang gawin.
           Umiyak agad ang isang magandang babae at nagsabing,