tayo."
"Bitiwan mo muna sandali ang mga kamay ko Xando..." natatawang saway ni Althea kay Xander. Pagkabitiw na pagkabitiw ni Xander sa dalawang mga kamay ni Althea ay agad itong yumakap kay Xander. "Talaga bang hinintay mo ang pagbabalik ko Xando?" mahinang tanong ni Althea.
"Oo! Oo! Hinintay kita nang hinintay!" sagot naman agad ni Xander habang yumayakap na rin kay Althea. "At ngayong nakabalik ka na hinding-hindi na kita pakakawalang muli, dito ka na lang sa tabi ko!"
"Natatandaan mo pa ba ang upuang iyan Xando?" tanong ni Althea.