tao sa palibot, naghihintay kung ano na ang mga susunod na mangyayari.  Muling nag-set-up ang mga media men para ipagpatuloy na ang kani-kanilang news coverage.  Ilang sandali lang ay dumating na rin ang maraming pagkain na hiningi ng hostage-taker para sa mga bata, maski ang lastiko, baraha at gagamba ay nadala rin nila.  Agad namang sumenyas ang hostage-taker mula sa pagkakasilip nito sa kurtina na ipasok na agad ang maraming pagkain para makapag-umpisa na ang kunwaring party ng mga bata. Maingat na lumapit naman agad ang iilang pulis sa malaking mansion dala-dala ang lahat ng mga pinamili nila.  Unti-unting nagbukas ang pintuan ng malaking mansion, hindi matukoy ng mga pulis ngayon ang eksaktong