"Tama alam ko na gusto niyo ng sabong pampaligo?" tanong ni Xander habang nakatingin sa kanila sa himpapawid.
"Aanhin namin niyan?" galit na galit na sabay-sabay na tanong ng tatlong mga aliens.
"Ha?" malakas na tanong ni Xander.
"Aanhin namin niyan hindi naman kami naliligo!" naiinis at sabay-sabay na sagot ng tatlong aliens.
"Pasensya na kayo hindi ko talaga alam at hindi ko rin napansin. At panigurado walang sinumang makakapansin, kahanga-hanga!" mabilis na paumanhin ni Xander. "Ano bang kailangan niyo kung ganoon?"
"Galit kami sa inyong mga taga-mundo kasi nag-aaksaya kayo ng tubig, kami nga walang iniinom sa planeta namin, tapos kayo sobra-sobrang tubig ang ipinanliligo niyo sa kung ano ang dapat at tama, napakasasama niyong