prutas lang at mga alaga kong manok at kambing ang kinakain ko araw-araw," paglalahad ng magandang babae.
            "Talaga... kumakain ka ng manok at kambing" tanong ng naka-jeans na si Henry.
             "Oo, pero bago ko ito kainin ay sinisiguro kong lutong-luto na ang mga ito at masarap ang pagkakatimpla," nag-aalangang biro ng babae habang nakatingin sa mukha ni Henry.
             "Ah... mabuti naman pala kung ganon at ligtas na ako mula sa pagkakahulog at sa pagiging bahagi  ng iyong menu."
             "At huwag kang matakot dahil hindi rin napuputol ang katawan ko tuwing kabilugan ng buwan, nangyayari ito kung wala na akong ibang mapagpilian at kung talagang kailangan lang tulad nang kanina, nang makita kitang