pag-iiyak. Mukhang hindi nagustuhan ng mga bata ang ginagawang eksena kaya nagmungkahi ang lead-negotiator sa mga napiling umarte.
“Parang hindi yata nagustuhan ng mga bata ang palabas niyo, mas mabuti pa siguro ay palitan niyo at gumawa ng panibago, iyong masaya naman.”
Kaya ang grupo ng mga binata ay bumuo ng isang fight scene; nagsuntukan kaagad sila at pinagtatadyakan ang isa’t isa. Ginaya nila ang isang malaking fight scene sa isang sikat na pelekulang napanood nilang lahat. Makatotohanan ang ginawang pagganap ng mga guapong binata, na-impress kaagad ang mga batang nasa loob ng mansion at kaagad na nagpalakpakan.
Napuna ng mga magagandang dalaga ang masayang