ni Xandro na derechong nakatitig dito.
"Umalis ka na Robert," utos ni Lynette.
"Hindi pa tayo tapos Lynette, hinding-hindi ako papayag na na mapunta ka sa kahit sino maliban sa akin!" paniniguro ni Robert at agad na tumalikod at lumabas nang Veron Appliance Center.
"Hay naku umalis din," pasasalamat ni Veronica.
"Xandro salamat nga pala sa tulong mo sa 'kin, kanina," pasasalamat ni Lynette.
"Wala ho 'yon Ma'm Lynette," mabilis na sagot ni Xandro. Mahal na mahal kita, at hindi ko hahayaan ang sinuman na saktan ka… ang bulong niya sa sarili.
"Makikiusap sana ako sa 'yo na magkunwari uli tayong magkasintahan kung saka-sakaling bumalik uli dito si