ng isa't isa. “Mahal kita Althea…” marahang bulong niya sa babaeng kasayaw niya. Pagkatapos ay marahang tinanong niya si Althea, “Mahal mo pa rin ba ako Althea…”
“Ang totoo ay ay nawala na ang takot na nararamdaman ko sa 'yo mula sa aking puso, naisip ko na mahal na mahal ako ng taong ito at hindi ako kailan man makukuhang saktan nito. Mahal na mahal pa rin kita Xander," mahinang pagtatapat nito sa binata.
Nangiti si Xander sa mga narinig niya mula kay Althea. Kaya tiningnan niya ito sa mga mata. Tinitigan niya ito nang matagal na matagal. Gandang-ganda talaga si Xander sa babaeng kasayaw niya sa himpapawid. Naamoy ni Xander ang mabangong perfume ni Althea. Lalo niyang inilapit ang sarili dito. Napakabango at napakaganda talaga