nang bahagya ang kanyang buhok.  Mabilis siyang lumipad palabas ng attic.  Lumipad siya ng mabilis, tuwid at derecho papuntang lumang Train Station.  Nais niyang makarating sa lumang train station sa pinakamabilis na paraan nang paglipad.  Gusto niyang siya ang maunang makarating sa lumang train station na  pinangangalagaan at pinaiilawan pa rin ito kahit matagal nang naisara.  Nang marating ni Xander ang ibabaw  ng lumang train station, agad siyang lumipad pababa.  Sisigaw na sana siya ng Xander nang biglang may tumawag  sa kanya ng, "Xando!" mula sa loob ng lumang train.  Lumingon si Xander sa pinanggalingan ng boses.  Nakita niya si Althea, nakadungaw sa bintana ng lumang train.