muli habang nakaupo. Matapos ay parang may napansin si Althea kay Xander. May iba ka pa bang dala, ba't parang may itinatago ka pa yata diyan sa likuran mo, ano ba 'yan ha?" pabirong tanong nito.
“Di ba sabi mo sa akin dati na kapag mabait at maganda ang isang babae ay makakatanggap siya ng mga rosas…” marahang pahayag at pagpapaalala ni Xander na nakatingin sa magandang mukha ni Althea.
Inilabas agad ni Xander ang limang mapupulang rosas na itinago niya sa likuran niya. “Ito,” sabi ni Xander pagkatapos ay iniabot kaagad ni Xander ang limang bulaklak na rosas kay Althea habang nakatingin sa magandang mukha nito.