matulunging kaibigan dahil kung hindi malamang ay hindi na tayo muling nagkita pa."
"Oo mabait at maaasahan ko talaga iyang si Veronica sa lahat ng bagay."
"Ang tagal-tagal ko nang nanabik na muling makita ka Althea. Simula ng mga bata pa tayo, alam na alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo. Wala akong ibang babaeng pinangarap makita at makasama kundi ikaw Althea. Mahal kita Althea, mahal na mahal. Tama ba ako sa aking pagkakaunawa na ako ang dahilan kung bakit nagawa mong suwayin ang minamahal at iginagalang mong mga lolo at lola Althea? Mahal mo rin ba ako ha Althea?" mahinang tanong ni Xander.