Mabilis namang tumakbo ang lead-negotiator papalapit sa mayor para salubungin ito.
            "Mabuti't nakarating na kayo Mayor Donato at mukhang naiinip at galit na ang hostage-taker," pagtatapat agad ng negotiator.
              "Mayor pasasamahan ko na kayo sa ilan kung mga pulis baka kailanganin niyo ng tulong kung saka-sakali," alok ng nag-iingat na negotiator.
              "Ako nang bahala sa lahat, kayang-kaya ko 'to.  Sigi dito lang kayo, hintayin niyo lang ako sandali at tiyak maya-maya lang ay isa-isa nang lalabas ang mga bata na parang walang nagyaring masama sa kanila," dagdag pa nito at agad na itong lumakad patungo sa malaking mansion.