Lynette. Nag-alangan siyang kumatok o pumasok dahil baka makaistorbo pa siya.
"Babalik ka na naman ng train station at magbabakasakaling andoon si Xando mo, ha Althea?"
"Oo susubukan ko uli baka andoon na si Xando at hinihintay ang pagbabalik ko, nangako kasi siyang hihintayin ako pagbalik ko galing America,” sagot ni Lynette.
Hindi makapaniwala sa mga narinig si Xandro.
"Hoy Lynette Althea, mga bata pa kayo noon, baka nga nakalimutan ka na noon eh."
"Hindi, naniniwala akong tutuparin ni Xando ang pangako niya sa akin habang hinahabol ang sinasakyan naming train, kaya pupunta ako uli at magbabakasakali."