lumabas si Veronica at may kausap sa kanyang cellphone.
"Oo Lynette papunta na ako riyan, hintayin mo lang ako't susunduin kita," sabi ni Veronica sa kausap nito sa kanyang cellphone. "Bye..."
"Oy kayo na munang bahala rito at pupuntahan ko lang si Lynette malapit sa paborito kong restaurant," paalam ni Veronica sa kanyang mga Saleslady. "Xandro, maiwan ko na muna kayo pupuntahan ko na muna si Lynette, sasamahan ko kasi siyang magpunta sa lumang Train Station may hihintayin kasi siyang dating kakilala roon."
"Sigi po M'am Veronica, kami na po muna ang bahala rito," sagot naman agad ng tuwang-tuwang si Xandro.