kung maari na ba nitong maiuwi ang anak sa bahay nito. Pumayag naman kaagad ang reporter at pinasalamat ang magandang dalaga at ang ina nito para sa interview.
              Hangang-hanga ang mga customer ng restaurant sa lahat ng kanilang napanood sa TV. Tapos muling nagpatuloy sa pagbabalita ang babaeng reporter.  "Narinig at nakita niyo po ang interview ko sa magandang dalagang iniligtas ng ating bagong hero. Sinabi niyang ang pangalan daw ng nagligtas sa kanya Super Xander. At sa kamangha-manghang araw na ito ay opisyal ko siyang tinatawag na Super Xander!” Ito po si Leslie nag-uulat para sa Newsflash,” pagtatapos ng babaeng reporter. Tapos ipinalit agad ang commercial ng sikat na sabong pampaligo sa GMA 7.