kasama ng kanyang minamahal, muling niyakap ni Lynette at dahan-dahang hinalikan sa labi ang wala pa ring malay na si Xander.  Biglang lumabas ang mga pangil ni Xander, idinilat ang mga mata at tiningnan ang umiiyak na si Althea. Nakita rin niya ang paglapit ng mga dambuhalang aliens sa kanilang dalawa. Biglang nagbuga ang isa sa tatlong pababang dambuhalang aliens ng napakalaking bola ng orange na liwanag kaya mabilis niyang niyakap si Althea at ibinaligtad sa lupa. Iniharang ni Xander ang kanyang likuran para maprotektahan si Althea. Tumama ito sa likuran ni Xander.  Subalit ni hindi ito ininda ni Xander.  Patuloy sa pagdikit ang dambuhalang bola ng orange na liwanag sa likuran niya at nanatili si Xander sa ganoong ayos para maiwasang matamaan nito si Althea. Hanggang sa tuluyan na ring maglaho ang dambuhalang bola ng orange na liwanag.