kanyang bitbit na panibagong papel.
                    "Manong asan na nga po pala iyong dating driver namin ha?" tanong ng isa pang bata na mahilig sa chocolate filled biscuits kasabay ng gatas tuwing umaga at malapit sa hostage-taker.


                   "Nagkasakit kasi iyong isa niyang anak na babae kaya pinakiusapan niya akong pumalit na muna sa kanya, saka pagaling na rin naman daw ang anak niya kasi nakabili na siya ng gamot sa pharmacy.  Gusto raw kasi niyang matuloy ang excursion niyo at pagbisita dito sa malaking mansion ng kaibigan ko dahil mababait kayong mga bata," maagap na sagot naman agad ng naiinip ng hostage-taker. Ang may-ari ng magandang mansion ay mga isang taon nang nanatili sa New York noon at nagawang maigapos at mabusalan ng hostage-taker ang nag-iisang security guard sa kusina nito. Pagkatapos ay tuluyan nang inihulog ng hostage-taker ang panibago niyang mensahe palabas ng malaking mansion.