kalayuan nito ay ang tulog pa ring hostage-taker. Kaagad na umakyat ang mga pulis para kunin ang katawan ng inaakala nilang patay ng mayor at ang natutulog na hostage-taker. Agad namang pumasok sa loob ng mansion ang ilang mga pulis para kunin ang katawan at wala pa ring malay na mayor. Magkasabay na binuhat ng mga pulis ang dalawang katawang nakahiga sa sahig ng living room ng malaking mansion. Magkasabay ring nagising ang dalawang katawan. At magkasabay ring tinitigan ng dalawa ang isa’t isa. Itinaas ng mayor ang kanyang kamao sa galit niya. Subalit pinagtawanan lang siya ng baliw. Dinala ng mga pulis ang dalawa palabas ng malaking mansion at nakasunod naman sa paglalakad sa likuran nila ang nagpapasalamat na nailigtas na security guard ng mansion. Sa labas at harapan ng malaking mansion ay tumayo ang dalawa at tiningnan ang isa’t isa. Bigla na lang sinubukang suntukin ng mayor ang baliw. Mabuti na lamang