paghahanap ay napaupo siya sa isang upuan. Habang nakaupo ay tumitingin-tingin siya sa mga taong naroroon at nagpatuloy sa paghahanap, umaasa na sana ay biglang lumitaw at magbalik ang kanyang tito. Maya-maya ay may lumapit sa kanyang isang batang babae, tiningnan siya sandali at naupo sa kanyang tabi.
Napansin ng batang lalake ang magandang batang babaeng tumabi sa kanya. Kaya nagbakasakali siya at tinanong niya ito kung nakita ba nito ang Tito Eric niya, "Hoy bata nakita mo ba ang Tito Eric ko ha?"
"Hindi saka hindi ko naman kilala tito mo ah, kaya ka pala mukhang malungkot at nag-aalala ay dahil hinahanap mo tito mo, naiwan ka siguro niya ano? kaagad na tanong nito. "Sandali ano pala