kailangan pang magkunwaring mag-nobyo, saka maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin..." masayang pagtatapat ni Lynette sa hindi nakikilalang si Xander.
                 "Talaga... mabuti naman kung ganon, masayang-masaya ako para sa 'yo at diyan kay Xando na rin..." nakangiting sagot ni Xandro.
                "Oh siya, maiwan na kita may aasikasuhin pa kasi ako sa table ko, maraming salamat uli Xandro...." pasasalamat ng masayang-masayang si Lynette.
                 Ngumiti lang si Xandro kay Lynette tapos ay agad na lumabas ng Veron Appliance Center.  Ihahatid niya ang napakaraming order ng isang mayamang customer.  Bumili ito ng refrigerator, TV, washing machine, DVD, aircon, oven,