"Buhay ka Xander! Buhay ka mahal ko!" masayang-masayang sigaw ni Althea mula sa himpapawid. Yinakap ni Xander si Althea. Pinagmasdan niya ang kagandahan ng babaeng kanyang pinakamamahal. Muli niya itong yinakap.
"Maari na ba kitang mahalikan muli Althea?" mahinang tanong nito.
"Oo, maari mo na akong halikan Xander," ang sagot ng tumatawang si Althea na nakatingala sa kanya.
Yumuko si Xander para halikan si Althea. Muling lumabas ang mga pangil nito. Subalit hindi na natakot si Althea sa mga pangil niya. Kaagad na naglaho ang mga pangil ni Xander. At sa himpapawid ay niyakap at hinalikan ni Xander si Althea ng buong puso at pagmamahal.