"Si Aryanna ay isang manananggal, pero isa siyang mabuting nilalang, hindi siya nanakit ng tao," paniniguro niya sa kapatid.
"Linoloko mo yata ako kuya, papaanong ang ganitong kagandang babae ay magiging isang manananggal, ha?"
Ipinaliwanag ni Henry at Annabelle ang lahat sa kapatid ni Henry. Subalit matapos nitong marinig ang lahat ay parang hindi pa rin ito makapaniwala.
"Totoo ang lahat nang sinasabi namin sa 'yo, maniwala ka," sabi ni Henry.
"Bumaba na kayo ng bundok hanggat may oras pa Henry, iwan niyo na ako rito, iligtas mo ang anak natin, pakiusap," pagsusumamo ni Aryanna.
Pero nagmatigas si Henry at nanatili ito sa loob ng