ang palaging ibinibigay sa akin noon ay poro ensaymada, puto, bibingka, biko, mangga at ice cream sa mga vendors. Kumain na ang nagugutom na batang lalake. “Salamat dito sa hamburger ha, naku ang sarap-sarap pala nito,
pangmayaman siguro ito ano," ang sabi kaagad ng batang lalake.
pangmayaman siguro ito ano," ang sabi kaagad ng batang lalake.
"Parang hindi naman, maski naman mahihirap nakakain din niyan nakikita ko sa may palengke sa may amin."
"Oy kanina ko pa napapansin bakit may mga batang nagtitinda ng mga pulang bulaklak at mukhang marami ang gustong bumili ng mga ito ha?" tanong ng batang lalake habang patuloy sa pag-nguya.
"K’wan kasi ngayon Valentine's Day," ang sagot naman ng natatawang batang babae. "Siguro hindi mo na naman