ang babaeng iyong minamahal, hindi mo mapipigilang lumabas ang iyong mga pangil. Subalit sa mga panahon ding ito ay maari mo nang makamtan ang kabuuan ng iyong taglay na kapangyarihan. At ito ay sa pamamagitan ng halik ng iyong kakambal na pag-ibig. Ang pag-ibig na ito ay nasa puso mo na Xandro, hindi ka pa man inilalabas sa sinapupunan ng iyong inang si Aryanna. Kapag nahalikan ka na ng babaeng iyong minamahal at nakamtan mo na ang kabuuan ng iyong kapangyarihan, lalabas muli ang iyong mga pangil kapag nakaramdam ka ng pagnanasang halikan siyang muli o di kaya'y makaramdam ka ng pagnanasang mapasa iyo ang kabuuan ng iyong kapangyarihan sa mga pagkakataong kinakailangan mong ipagtanggol ang sangkatauhan laban sa higit pang mas makapangyarihang mga nilalang gaya ng mga