"Tinuturuan ako ni daddy noong sumakay sa lahat ng mga rides dito," pagtatapat ni Althea.  "Subalit ang pinakapaborito niyang sakyan ay itong Ferris Wheel.  Pag-sumasakay kami dito dati takot na takot talaga ako at pilit kong ipinipikit ang aking mga mata.  Lalo na pag nasa pinakamataas na bahagi na kami ng Ferris Wheel.  Tapos ay bigla akong kikilitiin ni papa sa aking tagiliran para mapilitan akong buksan ang aking mga mata.  Tapos sasabihin niyang, 'Buksan mo ang iyong mga mata Althea, huwag kang matakot dapat maging matapang ka at harapin mo ang lahat ng mga hamon sa buhay.'  At pag-nagawa ko nang idilat ang aking mga mata'y sasabihin naman niyang, 'Alam mo anak ang buhay ay parang isang malaking Ferris Wheel lang, minsan