Google Super Zander
                                                                                            Back to Homepage                                             

       "Tito Arthur asan ka na ba...ba't mo ako iniwan...sabi mo pagkagising natin sasakay tayo ng train papuntang Makati...tapos ngayon asan ka na ba..." sambit ng isang nakakaawa ngunit poging-poging pitong-taong gulang na batang lalake habang hinahanap ang nawawalang tito sa loob ng train station. Nagpatuloy sa paghahanap ang bata, subalit kahit saan niya ibaling ang kanyang mga mata ay hindi niya matagpuan ang hinahanap niyang tito.  Dumami nang dumami ang mga taong dumarating para sumakay sana sa train papuntang Makati.  Sa pagod ng bata sa kakalakad at  

paghahanap ay napaupo siya sa isang upuan. Habang nakaupo ay tumitingin-tingin siya sa mga taong naroroon at nagpatuloy sa paghahanap, umaasa na sana ay biglang lumitaw at magbalik ang kanyang tito.  Maya-maya ay may lumapit sa kanyang isang batang babae, tiningnan siya sandali at naupo sa kanyang tabi. Napansin ng batang lalake ang magandang batang babaeng tumabi sa kanya.  Kaya nagbakasakali siya at tinanong niya ito kung nakita ba nito ang Tito Eric niya, "Hoy bata nakita mo ba ang Tito Eric ko ha?" 
          "Hindi saka hindi ko naman kilala tito mo ah, kaya ka pala mukhang malungkot at nag-aalala ay dahil hinahanap mo tito mo, naiwan ka siguro niya ano?  kaagad na tanong nito.  "Sandali ano pala 

pangalan mo ha, ako si Althea ikaw anong pangalan mo ha?" muling tanong nito sa kanya. "Sandali, nagugutom ka ano, sigi sa iyo na itong isang hamburger ko tutal dalawa naman ito eh."
           "Talaga akin na lang yan, nagugutom na rin talaga ako eh hindi pa kasi ako nakakapag-almusal mula kanina pagkagising ko. Masarap ba 'yan ha, ngayon lang kasi ako makakakain niyan eh," nahihiyang pag-amin nito.
            "Talaga ngayon ka pa lang makakakain nito, eh di sigi kain ka o sabay na tayong dalawa, “alok ng batang babae habang sinimulang kainin ang isa pang hamburger. "Hindi ka siguro inaalagaan ng tito mo kaya hindi ka pa nakakakain ng hamburger ano?"
             "Hindi mabait 'yon, inaalagaan ako noon kaya lang 


ang palaging ibinibigay sa akin noon ay poro ensaymada, puto, bibingka, biko, mangga at ice cream sa mga vendors.  Kumain na ang nagugutom na batang lalake. “Salamat dito sa hamburger ha, naku ang sarap-sarap pala nito,
pangmayaman siguro ito ano," ang sabi kaagad ng batang lalake.
             "Parang hindi naman, maski naman mahihirap nakakain din niyan nakikita ko sa may palengke sa may amin."
             "Oy kanina ko pa napapansin bakit may mga batang nagtitinda ng mga pulang bulaklak at mukhang marami ang gustong bumili ng mga ito ha?" tanong ng batang lalake habang patuloy sa pag-nguya.
             "K’wan kasi ngayon Valentine's Day," ang sagot naman ng natatawang batang babae.  "Siguro hindi mo na naman 


alam 'yon no. "
              "Ha naririnig ko na rin 'yan dati, pero hindi ko lang alam masyado kong ano ang ginagawa tuwing Valentines Day." 
              "Naku naman sigi na nga ganito
kasi 'yan araw ng mga puso, ng mga taong nagmamahalan, ganon." paliwanag nito."  Gaya ng mga magulang ko dati, pag ganitong araw binibigyan ni papa ang mama ng mga mapupulang rosas kasi mahal niya mama ko." 
               "Ah ganon lang pala iyon, baket naman mahal ng papa mo ang mama mo ha?" tanong pa ulit nito.
               "Eywan kasi siguro dahil mabait ang mama saka maganda pero wala na rin silang dalawa ngayon kinuha na ni Lord kaya sasama na ako kina lolo at lola papuntang 


America, ayon nga sila o bumibili ng ticket ng train, pupunta kasi kaming Maynila eh."
                "Eh di marami ka ring matatanggap na rosas ngayon no,"
sabi ng batang lalake.
                "Ha, baket mo naman nasabi 'yan, ha?" nagtatakang tanong nito sa batang lalake.
                "Sabi mo kasi pag maganda at mabait binibigyan ng rosas, kaya malamang makatanggap ka rin ng marami niyan ngayon." 
                "Ha ako maganda?" medyo nagulat na tanong ng batang babae.
                "Oo naman,” dagdag pa ng bata habang tinitingnan ang magandang batang babaeng kausap.
                Maya-maya ay may biglang lumapit na isang 


malaking mama at tinanong ang batang babae.  "Ikaw ba ang apo ng mga bumibili ng ticket ng train ha?" tanong nito sa batang babae.
                "Opo baket?" mabilis na tanong ng batang
babae
                "Kung ganon ikaw nga si Althea!" Biglang kinaladkad ng mama ang batang babae papalayo.  Napasigaw ang batang babae subalit agad tinakpan ng isang kamay ng mama ang kanyang bibig habang ito ay papalayo.
                Nagulat ang batang lalake sa nangyari pero agad niya itong hinabol nang hinabol at nang maabutan niya ito ay agad niya itong sinipa mula sa likuran.  Natumba agad ng ganon-ganon lang ang mama tapos hinatak agad ng batang lalake ang bagong kakilala papalayo sa masamang lalake. Takot na takot pa rin ang batang babae sa nangyari sa kanya. "Salamat ha mabuti na lang niligtas mo ako, saka ang galing